^

PSN Opinyon

Saludo ang media kay Carlos S. Caabay

-
Upang maiwasan ang muling demoralization sa hanay ng mga ahente at opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) kinakailangang humirang si President Joseph Estrada ng magiging director na mula sa loob mismo ng nasabing ahensya.

Nagkaroon din ako ng pagkakataong ma-assign sa NBI bilang reporter at isa sa mga beteranong opisyal na malapit sa media ay itong si Carlos S. Caabay na naitalaga na sa iba’t ibang posisyon sa nasabing ahensya at sa kasalukuyan ay Officer-in-Charge.

Dahil sa nakaranas ng kahirapan sa buhay, nag-working student si Caabay para makatapos ng pag-aaral noong 1957. Naging NBI agent siya noong July 1966.

Hindi mahirap magbigay ng detalye si Caabay kapag ini-interview ng mga mamamahayag pagdating sa mga kasong hinahawakan ng kanyang mga tauhan kaya saludo ang media sa kanya. Mabuhay ka Sir!

Kung pagbabasehan ang karanasan sa larangan ng mga kontrobersyal na kaso ay lampas na rin sa numero ng kalendaryo ang mga nakuhang commendations/awards at citations ni Caabay mula sa mga prominenteng taong gobyerno at pribadong grupo partikular na ang National Academy Staff ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at Kongreso ng Amerika dahil sa mga nareresolbang mabibigat na kaso.

Kaya hindi nagdalawang-isip na nagtiwala si yumaong dating NBI Director Federico Opinion na italaga si Carlos S. Caabay noong Nobyembre 13, 2000 na maging Officer-in-Charge ng NBI dahil sa kakayahang humawak ng mga ahente at opisyal kabilang na ang mga nasa mababang puwesto.

Ang masakit pa nito, back to chapter one na naman ang sistema kapag ang napiling director ay mula sa labas ng NBI. Siguradong mangangapa sa dilim dahil sa hindi bihasa sa takbo ng trabaho sa loob ng nasabing ahensya.

At ang isa pa, siguradong maghahakot ng mga bata-bata ang makukuhang taga-labas na director ng NBI partikular na mula sa kapulisan na magreresulta na naman upang ma-penetrate ito ng malalaking sindikato.

Madadagdagan na naman ang siga-siga sa kalye at malamang nito mauso na naman ang kotongan sa mga bigating trader. "Weather, weather lang ‘yan?"

CAABAY

CARLOS S

DIRECTOR FEDERICO OPINION

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL ACADEMY STAFF

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBI

OFFICER-IN-CHARGE

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with