^

PSN Opinyon

Breast cancer sa lalaki

-
Ang breast cancer ay dumadapo sa babae at maging sa lalaki. Bagama’t nakararami ang bilang ng mga babaing may breast cancer may mga naitala na ring mga kalalakihang may ganitong sakit.

Ayon sa world renowned cancer specialist na si Dr. Tranquilino Elicaño Jr. (columnist din dito sa PSN) dapat na suriin ng lahat ang kanilang mga suso. Ilan sa mga sintomas ng breast cancer na inilahad ni Dr. Elicaño ay ang mga sumusunod: Bukol sa suso, pagdurugo o abnormal discharge mula sa utong, sugat sa balat ng suso, deporma sa hugis ng suso, mga rashes sa paligid ng utong at kulane sa kili-kili. Kapag ang mga palatandaang nabanggit ay madama at makita ay dapat nang kumunsulta sa doktor. Sinabi ni Dr. Elicaño na prevention is better than cure.

Idinugtong ni Dr. Elicaño na ang maagang pagpapasuri sa doktor ay mahalaga. Sa pamamagitan ng tamang diagnosis ay maisusunod ang tinatawag ng proper treatment. Sinabi ni Dr. Elicaño na nakalulungkot isipin na karamihan sa mga pasyenteng may breast cancer ay sumasangguni sa manggagamot kapag malala na ang cancer nila sa suso.

Binigyang-linaw ni Dr. Elicaño na ang breast cancer ay hindi nakahahawa. Pinabulaanan din niya ang paniniwala ng marami na ang cancer sa suso ay dulot ng sobrang paghimas sa suso lalo na sa sandali ng pagtatalik at ang maling paniniwala na kapag mabunggo at magkaroon ng pasa o bugbog ang suso ay magkaka-cancer na.

Idinugtong ni Dr. Elicaño na mas mabuting maeksamin ng mga babae ang kanilang mga suso makaraan ang kanilang pagreregla at dapat na maeksamin ng doktor ang suso ng pasyente na 25 years old and above sa tuwing anim na buwan.

AYON

CANCER

DR. ELICA

DR. TRANQUILINO ELICA

ELICA

IDINUGTONG

NTILDE

SINABI

SUSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with