Katarata at iba pang sakit sa mata
January 5, 2001 | 12:00am
Noong araw ay pinapahinog muna ang katarata bago operahin. Pero sa modern technology kahit hindi hinog ang katarata ay ipinapayo ng mga manggagamot na operahin na ito. Ayon sa batikang ophthalmologist na si Dr. Roberto Uy hindi na dapat hintaying mahinog ang katarata at dapat itong alisin kung ang may karamdaman ay nahihirapan sa panonood ng TV, pagbabasa, pagmamaneho at sa mga nagluluto sanhi ng usok na makaiirita sa mata.
Ayon kay Dr. Uy kapag ang katarata ay kumapal ito’y mauuwi sa glaucoma. Isa sa mga sintomas ng katarata ay ang pagkasilaw sa mga ilaw ng sasakyan. Ipinapayo na kapag tumuntong na sa 40-anyos ay magpa-check-up ng mata sa eye specialist na ang kadalasang ipinapayo ay ang pagsasalamin.
Ayon pa kay Dr. Uy, napakadelikado ng mata kaya dapat itong pangalagaang mabuti. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng retina ng mata na parang pelikula ng kamera at doon napo-focus ang light rays. Ipinaliwanag din niya ang retinitis pigmentosa na sakit ng retina. Nasisira ang photo receptors at ang isa sa mga epekto nito ay ang hindi makakitang mabuti sa gabi o ang tinatawag na matang manok. Dapat na bigyan ng Vitamin A ang may retinitis pigmentosa.
Ipinapayo rin ni Dr. Uy sa mga nanonood ng telebisyon na dapat na two meters ang layo nila sa TV set.
Sa mga nagco-computer ay ipinapayo ni Dr. Uy na bigyan din ng sapat na pahinga ang kanilang mga mata. Pinabulaanan niya na ang paghihilamos at paliligo sa mga nagbabasa at nagco-computer ay sanhi ng pagkabulag.
Kung ibig n’yong sumangguni kay Dr. Uy maaari siyang tawagan sa telepono 743-8583 at 781-6282.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest