Next year, papatak nang Biyernes ang selebrasyong ito. Tsaka na tayo mag-unggoyan.
Tuloy ang pagbabasa ni Kuya:
Mahal kong mga kapatid… (4) Anim na T-shirt na Ralph Lauren suot-suot ni Inay. Sa iyo ang isa, Kuya, at tig-isa ang mga pamangkin ko. Sana kung lalabhan n’yo, huwag tubig-poso. Baka manilaw na naman tulad nu’ng dati.
(5) Isang dosenang Wonderbra na gustung-gusto n’yo, Ate, Ditse. Suot-suot din ni Inay. Sana, tama pa sa sukat n’yo.
(6) Walong Dockers na pantalon, suot-suot din ni Inay. Kuya, Diko, tig-isa kayo. Yung iba, sa mga pamangkin ko. Huwag n’yo naman sana ipamigay sa barkada. Kung may sumobra, kay Tito Miloy na.
(7) Ang Rolex na binilin mo, Kuya, suot din ni Inay. Kunin mo na. Huwag mong isasanla ha, magtatampo na ako sa iyo.
(8) Ang hikaw, singsing at kuwintas na gustung-gusto mo, Ate, suot-suot din ni Inay. Kunin mo na rin. At huwag ding ibebenta.
(9) Stockings na Chanel, suot-suot din ni Inay. Tig-iisang pares kayo at mga pamangkin ko. Kung may sumobra, kay Tita Lilay sana.
(10) Walong panty na Victoria’s Secret, nasa may paanan ni Inay. Para sa mga pinsang babae. Ipagtabi niyo si Tita Lulu. (Ba’t ba hangga ngayon, wala pa siyang asawa?)
(11) Isang sweater, dalawang beses ko pa lang nagamit, suot din ni Inay. Maghiraman na lang kayo kung sino ang aakyat sa Baguio. Unisex naman, e.
(12) Anim na lampen, para kay baby, nasa batok ni Inay.
Bahala na kayo kay Inay. Ipagmimisa ko na lang siya dito.
Balitaan n’yo na lang ako pagkatapos ng libing.
Nagmamahal n’yong kapatid, Nene
(PS: Paki bihisan na lang si Inay).
Talaga nga naman, only in da Pilipins.