Tulong ang selebrasyon sa WPD
December 27, 2000 | 12:00am
Ilang tulog na lang at magseselebra na ng centennial anniversary ang Western Police District (WPD). Ngayon pa lang ay excited na excited na ang mga sibilyang trabahador at rank and file nito.
Nagbibiro nga ang ilan sa mga pulis na kahit anong mangyari sa impeachment trial laban kay Presidente Estrada, wala nang makahahadlang sa pagselebra ng 100 years celebration ng WPD sa Enero 9.
Maging ang mga retiradong pulis ng Maynila ay hindi nagpahuli sa paghanda. Sila man ay binasbasan ni Chief Supt. Avelino Razon Jr., hepe ng WPD, na magkaroon ng sariling selebrasyon sa Enero 5 para nga hindi naman sila mabalewala sa naturang okasyon.
At hindi lang yan. Itong si Razon sa kagustuhan ding madagdagan ang ningning ng okasyon ay nagbukas ng isang museum para gunitain ang mga finest performance at achievements ng Manila police mula noon pang 1901.
Ang WPD Museum Foundation, ang una at pinakamatandang museum sa buong Pilipinas, ay magiging repository of materials, mementos and records related to the past 100 years ng Manila police, ayon kay retired police Major Pete Angulo.
Matatandaan na ang museum ay binuo noong 1975 sa Meisic police station sa Binondo subalit dahil sa kawalan ng pondo, hindi ito nabigyan ng magandang maintenance.
Para mapangalagaan na ang naturang museum, minabuti ni Razon na magkaroon ng mga opisyales na mamamahala sa pagpaganda at pag-alaga ng mga nakatago o naka-display na mga gamit dito.
Noong December 1 nagkaroon ng halalan at si Angulo ang napiling presidente. Ang mga napiling chairman of the Board of Trustees naman ay sina Mrs. Cecille Razon at Mrs. Lea Taas, mga asawa nina Chief Supt. Razon at Supt. Napoleon Taas, hepe ng City Hall detachment. Ang mga nahirang na ibang opisyal ay sina Chief Insp. Joven Esquito, 1st vice president; Supt. Harrison Tolosa, 2nd vice president; Mrs. Evelyn Esquito, secretary; Mrs. Annie Sahagun, assistant secretary; Chief Insp. Melecio Bernabe (ret.), treasurer; Mrs. Taas, assistant treasurer; Mrs. Razon, auditor; SInsp. Carlito Valenzuela, asst. auditor; CInsp. Lucio Margallo, business manager; Supt. Antonio Sebastian, PRO; Ms. Remie Capitan, assistant PRO; Supt. Juanito de Guzman, Sgt.-at-Arms; Elmer Tiu at Supt. Cresencio Cabasal, mga trustee. Ang mga advisers ay sina Razon at Senior Supt. Marcelino Franco Jr., ang deputy for administration ng WPD.
Tinitiyak ni Angulo na dahil sa mga opisyal na ito ang WPD museum ay mapapangalagaan na at lalong mapagaganda sa darating na mga panahon. Ang gulo nila no? Pero masaya naman di ba?
Ayon kay Angulo, hindi pa alam ng mga Manileño itong WPD museum kayat walang suportang dumating financial man o moral. Pero hindi susuko itong mga bagong halal na opisyales para ma-improve at ma-modernize ito.
May plano rin itong sina Angulo na mangalap ng pondo para gumawa ng sariling building itong WPD museum at mapangalagaan din ang kinabukasan ng mga anak ng pulis tulad ng edukasyon at kalusugan. Sana matuloy ang balak na ito nina Angulo!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest