EDITORYAL - Dapat humarap sa trial si Erap
December 23, 2000 | 12:00am
Saan mang mahihirap na lugar magpunta ngayon si President Estrada ay kakatwang lagi niyang sinasabi na wala siyang kasalanan sa mga ibinibintang sa kanya. Malinis aniya ang kanyang konsensiya. Nakatanghod naman sa kanya ang mga mahihirap at sa wari’y naguguluhan sa mga nangyayari sa kasalukuyan. Hindi naman maitatwa na karamihan sa kanila ay hindi maabot kung ano ba talaga ang "isyung" kinasangkutan ni Estrada. Habang nagpapaliwanag si Estrada sa kanila ay lalo namang lumalalim ang "misteryo" ng jueteng scandal.
Kamakalawa’y binisita ni Estrada ang mga mahihirap sa Asuncion, Tondo at namahagi ng mga pamasko roon. Kagaya ng ginagawa sa iba pang lugar na binibisita, sumalo rin siya sa pananghalian sa mga mahihirap. Nakakamay siyang sumalo sa pagkain. Sinabi ni Estrada sa harap ng mahihirap na isinasagawang impeachment trial sa kanya ay walang ipinagkaiba sa mga role niya sa pelikulang ginampanan. Binubugbog umano siya sa pelikula at nagpapabugbog naman siya. Naalala raw niya ang kaibigang si Fernando Poe Jr. na nagpapabugbog din at sa dakong huli naman umaatake at bagsak lahat ang kalaban. Binubugbog umano siya sa trial subalit sa dakong huli ay lalabas din umano ang katotohanan.
Hindi ilang beses sinabi ni Estrada na wala siyang kasalanan sa mga akusasyon sa kanya na pinasabog ng kainuman at dati niyang kaibigang si Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson. Sinabi ni Singson na tumanggap si Estrada ng P400 milyon mula sa jueteng at P130 milyong kickbacks sa tobacco excise tax. Sinabi pa ni Estrada na walang magnanakaw sa kanilang pamilya at ni isang sentimo ay wala siyang natanggap. Naging mayor, senador at Vice President siya subalit ni minsa’y hindi naakusahang nagnakaw.
Ang pagbisita ni Estrada sa mga squatters area, probinsiya at iba pang mahihirap na lugar ay naging madalas mula nang sumabog ang jueteng scandal noong October 9. Hindi iilang beses siyang namudmod ng titulo ng lupa at maraming ipinangako sa mga mahihirap. Wala namang ipinagkaiba sa pangako niya noon na iaangat ang kalagayan ng mga ito.
Hindi naman malilimutan na sinabi rin ni Estrada na handa siyang humarap sa trial upang sagutin ang lahat ng katanungan. Subalit iba na ang himig ni Estrada ngayon. May pag-aatubili na sa kanya at susunod lamang umano sa payo ng kanyang mga abogado. Marami na rin ang nagpayo kay Estrada na humarap sa trial. Ito naman talaga ang dapat niyang gawin. Mas mauunawaan siya nang taumbayan kung haharap sa trial at hindi sa iilan lang na ang tunay na isyu ay hindi alam.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest