Editoryal - Basura sa Metro Manila
December 22, 2000 | 12:00am
Nakikita na ang problemang kinakaharap ng Metro Manila dahil sa hindi mapigil na pagdami ng basura. Ngayong Pasko ay inaasahang magiging bundok pa ang basura. Kung hindi pa makagagawa ng paraan ang mga namamahala sa garbage management ng Metro Manila, mamamaho ang kapaligiran at tiyak na sakit ang kahaharapin ng mga residente. Ang Quezon City at Maynila ang nanganganib na unang umalingasaw dahil may mga lugar dito na hindi nakokolekta ang mga basura. Sigurado rin na ang mga residente rito ang maaapektuhan. Sa kahabaan ng Commonwealth Ave. ay maraming basurang hindi nahahakot. Tambak din ang basura sa may Balintawak at sa kahabaan ng A. Bonifacio. Ilang ulit na naming pinaksa ang problemang basurang ito subalit walang ginagawang aksiyon.
Sampung araw na lamang at isasara na ang San Mateo landfill. Pinal na ang desisyong ito at mismong si President Estrada pa ang nagsabing tuloy na tuloy na ang pagsasara nito. Wala nang makapipigil sa plano bagay na ikinatuwa naman ng mga residente roon na maraming beses nang nagbarikada para hindi makapasok sa kanilang lugar ang mga trak ng basura.
Wala namang marinig kay Presidential Adviser on Flagship Projects Robert Aventajado sa mga alternatibong pagtatapunan ng basura sakali at isinara na ang San Mateo. Maging ang Metro Manila Development Authority ay wala pang malinaw na plano sa problemang ito. Kamakalawa ay nagsagawa ng pagdinig ang House Committee on Ecology na pinamumunuan ni Misamis Oriental Rep. Augusto Baculio. Sa hearing ay inamin ng MMDA at Department of Environment and Natural Resources na wala pang napipiling lugar na pagdadalhan ng basura. Hanggang sa kasalukuyan umano ay hindi pa nagsusumite ng "certificate of willingness" sa mga posibleng pagtapunan ng basura na kinabibilangan ng Pililia, Rizal; Mariveles, Bataan at Antique.
Binuksan nga pansamantala ang Payatas kamakailan sa utos ni Mayor Ismael Mathay upang maibsan ang problema. Subalit ang nakatitigatig na balitang kasunod nito ay mas lalong problema: Humahalo umano ang katas ng Payatas sa tubig na nasa La Mesa dam. Kung ganito ang nangyayari dapat nang isara at tuluyan nang huwag buksan ang Payatas. Matatandaang daang tao ang namatay dito nang maguho may ilang buwan na ang nakararaan.
Malaking problema ang basura at walang magawang mahusay na hakbang ang pamahalaan. Kailan ba sila kikilos para masolusyunan ang problemang ito kapag may napinsala na?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest