Talinghaga ng kalapating mababa ang lipad
December 19, 2000 | 12:00am
Ang magsasaka ay hindi pa nakararating sa Maynila. Kung siya ang masusunod mamatamisin niya ang mamatay sa nayon kaysa magbiyahe sa malayo lalo na sa Maynila. Marami siyang naririnig na patayan at nakawan pag ang mga taga-nayon ay nagpupunta sa Maynila. Wala pa naman siyang pinag-aralan kaya mas gusto niyang makiharap sa pareho niyang magsasaka.
Ngayon ay talagang hindi na niya maiwasang magtungo sa Maynila. Namatay ang kuya niya roon at ang huling hiling ay dumating siya para sa libing. Hindi raw ililibing hanggang hindi siya dumarating.
Ibinigay sa kanya ang numero ng telepono sa Maynila.
Sumakay sa bus ang magsasaka. Pagdating sa Maynila ay walang sumalubong kaya tumawag agad sa telepono. Sa kasamaang palad hindi makakonekta. Nataranta siya dahil nagdidilim na ay hindi pa makatawag. Naglakad at napadpad sa mga night club. Dumating ang mga pulis at hinuli ang lahat ng babae pati ang magsasaka.
Tinatanong sila ng mga pulis isa-isa.
Ako po ay namamasyal lang nang mahuli, sabi ng babae.
Sinungaling.! Ikulong iyan.
Ako po ay pauwi sa trabaho, paliwanag ng pangalawang babae.
"Isa pang sinungaling! Ikulong din iyan."
"Mamang pulis, ako po ay kalapating mababa ang lipad. Iniwan po ako ng aking asawa kaya napilitan akong gawin ito para sa aking mga anak," luhaang paliwanag ng pangatlong babae.
"Naniniwala ako pakawalan yan. At ikaw," turo sa magsasaka.
Nanginginig na sumagot mamang pulis, ako rin po ay kalapating mababa ang lipad.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended