Nanganganib ang seguridad ng mga testigo
December 18, 2000 | 12:00am
KUNG tutuusin, kasisimula pa lamang ng paglilitis kay President Estrada subalit nanganganib na ang seguridad ng mga testigo ng prosecution. Sa katunayan marami ng pananakot sa mga nakatakdang humarap at magbigay ng testimonya laban sa Presidente. Ito rin ang dahilan kung bakit nasa United States ngayonn si dating SEC Chairman Perfecto Yasay. Babalik na lang daw siya kung magbibigay na siya ng testimonya sa Senado.
Bagaman ang mga testigo ay nasa pangangalaga ng mga tauhan ng PNP at DOJ ay hindi pa rin lubos na napapanatag ang mga testigo at maging ang miyembro ng 11 taga-usig. Patuloy pa rin ang pagbabanta at pananakot sa kanila. Alam naman nating lahat na mahalagang maseguro ang kaligtasan ng mga saksi sa anumang kaso dahil kung sila ay matatakot ay hindi lalabas ang katotohanan.
Sa panahon ngayon, mahirap ng magtiwala kahit kanino lalo nat kung ang nakataya ay ang buhay ng mga testigo. Mahirap na nga para sa prosecution ang kumumbinsi ng mga saksi na magsasalita. Isipin nyo na lang kung gaano ang ibayong pagbabantay at pangangalaga ang kailangang ibigay sa 54 na saksi ng prosecution. Kung kaya nananawagan kami na bigyan ng gobyerno ng pansin ang ganitong hinaing ng prosecution. Kung ayon sa Malacañang at pawang kasinungalingan ang lahat ng kaso laban sa Presidente ay bakit may mga nananakot sa mga testigo ng prosecution?
Ito ang dahilan kung bakit hinihingi ang tulong ng Security Group ng Kamara upang maseguro na talagang ligtas ang mga testigo. Kailangan ng grupo na wala sa kontrol ng Malacañang upang magbantay sa mga testigo. Ito lamang ang tanging paraan upang maalis ang agam-agam at pangamba sa isip ng mga testigo at prosecution.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest