^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Buksan ang Valhalla account

-
KAMAKAILAN ay itinanggi ni Pangulong Joseph Estrada na may kilala siyang nagngangalang Jose Valhalla. Tiwala ang Pangulo na lilitaw din ang katotohanan na siyang magpapawalang-sala sa kanya. Kung walang kinalaman ang Pangulo sa Valhalla account, bakit kinakailangan pang hadlangan ng kanyang mga abogado at ng kanyang mga kaalyado sa politika ang pagbubukas ng nasabing account na magreresulta sa pag-aalinlangan ng taumbayan na magtiwala sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

Ang mga dokumento ng Valhalla account sa Equitable-PCIBank na gagamitin bilang ebidensya laban kay Estrada ay isa sa pinakamahirap makuha at mabuksan dahil sa umiiral na bank secrecy law.

Subalit sa kautusang ipinalabas noong Biyernes ni impeachment court presiding officer at Chief Justice Hilario Davide, Jr., maaari nang buksan ang nasabing account. Binigyan din ng pagkakataon ni Davide ang defense panel na magsumite ng motion for reconsideration bago buksan ang Valhalla account.

Ang pagkilos na ito ng defense panel ay inaasahan na ng prosecution panel dahil dito sila binabayaran ng kanilang kliyente ngunit papaano naman ang ilang politiko na kumukuwestyon sa kautusan ni Davide na buksan ang Valhalla account?

Si Senator-Judge John Osmeña na umaming tumanggap ng P1milyong balato mula sa Pangulo ay nagsabi na ang pagbubukas ng nabanggit na account ay kinakailangang idaan sa botohan ng mga senators.

Kung mangyayari ang mungkahi ni Osmeña at lalabas ang resulta ay malalaman na ng publiko ang ipapataw na hatol sa Pangulo sa pagtatapos ng trial.

Gayunpaman, kinakailangang malaman ng taumbayan ang katotohanang nasa likod ng Valhalla account. May lumalabas na balitang ang "Jose Valhalla" ay hinango sa unang pangalan ng Pangulo at isang ospital sa Amerika na pinasukan ng kanyang nakatatandang kapatid na nagngangalang Emilio?

Ayon sa prosecution panels, may tsekeng P142 milyon halaga na nilagdaan ni Valhalla at idiniposito sa account ni dating housing chief Jose "Sel" Yulo bilang bayad sa tinatawag na Boracay mansion na ginagamit ng isa sa kalaguyo ni Pangulong Estrada na si Laarni Enriquez.

Nabatid sa ulat na ang nabanggit na account ay naka-pangalan sa isang malapit na kaibigan ng Pangulo na si Jaime Dichaves.

Ang mga senador na tumatayong hukom sa impeachment trial ay kinakailangang magsilbi sa taumbayan at hindi sa Pangulo ng bansa at itigil na ang pagsuporta sa mga abogado ni Erap upang itago ang katotohanan. Ang Valhalla account ay kailangan mabuksan at ang trabaho ng mga senador ay ilantad ang katotohanan sa taumbayan.

ACCOUNT

ANG VALHALLA

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

JAIME DICHAVES

JOSE VALHALLA

LAARNI ENRIQUEZ

PANGULO

VALHALLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with