Ecstasy tablets nakakalat sa mga diskuhan sa MM
December 11, 2000 | 12:00am
Walang kamalay-malay ang taumbayan na ang nagpupuslit pala papasok ng bansa ng ecstasy tablets ay isang Australianong bartender na nagngangalang Bruce Anthony Ridgway, 52. Matagal na siyang naninirahan sa Pinas at ngayon ay nasa-custody ng Australian Police.
Malayang nakalalabas-masok sa bansa si Ridgway at nakapagpupuslit ng droga subali’t hindi siya napaghihinalaan ng mga awtoridad na nakabase sa Ninoy Aquino International Airport at pandaigdig na daungan sa bansa. Ano kaya ang dahilan? Siguro’y mayroon silang cashsunduan.
Ayon sa ulat, may kasabwat ding sindikato ng droga si Ridgway na isang Briton na nagngangalang James Linaker Neale, 54, at naninirahan sa Hong Kong at ngayon ay nahaharap sa kasong pagpupuslit ng 217,000 ecstasy tablets papasok ng Australia mula French noong nakalipas na buwan. Aabot sa halagang US$ 7.4 milyon ang nasabat na epektos at kung sakaling naipuslit ang mga ito ay siguradong maraming pahihirapang bagets.
Siguradong maraming ecstasy tablets na ang naipakalat ng sindikato nina Ridgway at Neale sa Pilipinas at marami na rin nabiktimang bagets bago pa ito masakote sa Port Botany, Sydney, Australia ng mga ahente ng Bureau of Customs at Federal Police.
Ngayong nalalapit na ang Pasko ay siguradong nagkalat na sa mga diskuhan at club sa Manila at Makati City ang ecstasy tablets. Ito raw ay kultura na ng club at diskuhan dahil kapag wala raw ang nasabing droga ay hindi kikita ang mga may-ari ng nasabing establisimiyento at hindi masaya ang gabi. Lalo na kapag ang club ay pagmamay-ari ng isang Australian, siguradong suwak ang droga.
Kung hindi pa alam ng mga kabataan, ang masamang epekto ng lacing ecstasy sa katawan ng tao ay stomach-bleeders dahil ang elementong nakahalo dito ay powdered glass at rat poison upang mabilis maramdaman ng isang uminom nito.
Madaling mahuli ang isang bagets na gumamit ng ecstasy tablets; hindi umiinom ng anumang alak o juice kapag ito ay nasa loob ng club o diskuhan, very alive ito at hindi inaantok.
Karamihan daw sa mga nagbebenta ng nasabing droga ay mga maimpluwensyang tao o anak-mayaman at ang hangad ay kumita ng pera.
At kung gugustuhin lang talaga ng mga kinauukulan na masugpo ang kumakalat na droga sa bansa, ay madaling magsagawa ng operasyon.
Kaya siguro, walang makuhang impormasyon ang Intelligence Unit ng Philippine National Police (PNP) dahil takot masibak sa puwesto o maipatapon sa kangkungan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended