^

PSN Opinyon

KRUSADA - Ang mga kasong hinaharap ni Erap

- Dante L.A.Jimenez -
Matapos sirain ng terorismo ang imahen ng Pilipinas ang katauhan naman ngayon ni President Estrada at ang kredibilidad ng pamunuan nito ang pangunahing dahilan kung bakit iniiwasan na naman tayo ng mga turista at mga dayuhang mangangalakal.

Sa kanyang pag-upo bilang Presidente ng Pilipinas noong 1998, binitiwan ni Estrada ang kanyang babala laban sa krimen at katiwalian: Huwag n’yo akong subukan!

Noong Huwebes ay nagsimula ang paglilitis kay Estrada ukol sa mga kasong bribery, graft and corruption, culpable violation of the constitution, at betrayal of the public trust.

Ang mga kasong hinaharap ni Estrada ay magkakaugnay at dahil sa pagbubunyag na ginawa ni Chavit Singson,naiba na ang pananaw ni Juan dela Cruz ukol sa pagkatao ni Estrada, na inihalal ng marami sa paniniwalang siya ang susi tungo sa kaunlaran at kaayusan ng ating lipunan.

Patungkol sa bribery, inamin ni Estrada sa isang panayam na totoong pumasok ang halagang P200 milyon sa iba’t ibang banko bilang suhol mula sa mga kita sa jueteng. Sinabi ni Estrada na hindi naman daw nagastos ni isang kusing ang nasabing halaga, at sa halip ay ginugol daw ito sa Muslim Youth Foundation.

Kung mapapatunayan ang patung-patong na kaso laban kay Estrada, madali nang maunawaan ang kahulugan ng mga paratang na hinaharap nito. Sa madaling-salita, ang isang tiwaling pamahalaan ay hindi kailanman mapaniniwalaan ng isang lipunan. Kung ang mismong pamunuan ay bulok, ano pa ang mapapala ng mga sinasakupan nito, na umaasa lamang sa kakayahan nitong itaguyod ang kabuhayan ng sambayanan.

CHAVIT SINGSON

ESTRADA

MUSLIM YOUTH FOUNDATION

NOONG HUWEBES

PILIPINAS

PRESIDENT ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with