Mga pakulo para kay Erap
December 5, 2000 | 12:00am
May lumalabas na mga balita na milyun-milyong piso ang inilaan upang gamitin sa pagpapa-pogi ni Presidente Erap at ganoon din naman sa pagsira sa kredibilidad nina dating Presidente Cory at Fidel Ramos; Vice President Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang matataas na opisyal ng Oposisyon.
Kamakalawa, isang produksiyon ng Philippine Information Agency ang inilabas sa PTV 4 at ini-hook-up sa Channel 2 ng ABS-CBN at sa iba pang radio-TV stations na sequestered ng gobyerno. Inilarawan dito ang maraming kagalingang naganap sa administrasyon ni Erap at ang mga anomalya at eskandalo noong panahon naman nina Cory at FVR. Diumano, puro utang ang iniwan ng dalawang dating Presidente kay Erap dahil sa graft and corruption.
Sinabi ng nagbulong sa akin na may iba pang mga pakulo para kay Erap ang inihahanda ng mga ahensiya na nasa ilalim ng Office of the Press Secretary upang pagandahin ang imahen nito. Alam nila na wasak na wasak na ang kredibilidad at popularidad ni Erap. Kaya walang tulugan at walang pahingahan. Todo ang puwersa ng gobyerno upang mag-imbento ng sari-saring propaganda.
Kaalinsabay ng papogi points para kay Erap ay ang paninira naman sa mga miyembro ng Oposisyon at mga kritiko nito na sina Cory, FVR, Cardinal Sin, GMA. Kailangang masira ang mga ito nang sa ganoon ay hindi na sila mapaniwalaan ng taumbayan. Wala nang iba kundi si Erap lamang ang dapat na maging bida sa mata ng publiko.Ganito ang gustong mangyari ng mga propagandista ng Malacañang.
Ang isa pang inaatupag ng mga batang-Malacañang ay ang maayos nila ang takbo ng mga poll surveys kasama na ang mga ginaganap sa mga radio-TV programs. Malaki ang nagagawang impluwensiya ng mga surveys sa isipan at damdamin ng mamamayan. Kung kayat ang bagay na ito ay napakahalaga upang makalimutang ayusin ng mga bata ni Erap.
Kapansin-pansin din ang panggagayang ginagawa ng Malacañang sa mga pakulo naman ng Oposisyon. Kapag nag-rally ang mga kalaban, tinatapatan din ito ng rally ng mga taga-Erap na masasabing mas malaki pa. Ika nga, kung mayroong mahalagang pagtatanghal ang kabilang panig, siguradong hihigitan pa ito ng Presidente. Bakit ganito? Ang sagot: Kasi, mas maraming pera ang Malacañang at namimigay pa si Erap ng mga titulo ng lupa.
Kung sabagay, sa bandang huli, ang taumbayan din ang huhusga kung ano ang magaganap na karapat-dapat sa ating bayan at mamamayan. Quo vadis? Abangan ang mga susunod na kabanata.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest