^

PSN Opinyon

Si Tibo Mijares

-
Siguro marami na ang hindi nakakakilala sa journalist na si Primitivo Mijares. Sikat siya noong mga unang araw ng martial law. Malapit na malapit siya kay Marcos.

Siya ay isa sa iilang taong hindi kaanak ni Marcos at ni hindi opisyal ng kanyang Gabinete na puwedeng pasukin ang silid-tulugan ng yumaong Presidente. Ganyan siya ka-trusted ni Marcos.

Marami umanong alam na sikreto si Tibo (palayaw ni Primitivo) tungkol kay Marcos lalo na ang may kinalaman sa pagkakamal nito ng malaking kayamanan. Bago siya misteryosong nawala, naisulat niya ang kontrobersyal na librong Conjugal Dictatorship na may kinalaman sa pagmamalabis sa kapangyarihan ng mag-asawang Ferdinand at Imelda. Nakasaad din sa aklat kung paanong nagpayaman ang mag-asawa at kung paano rin nakinabang ang marami nilang cronies.

Hanggang ngayo’y palaisipan kung nasaan na si Tibo. Sinasabing siya’y pinaslang at ang labi’y sinimentuhan sa loob ng drum at inihulog sa karagatan.

Ngunit walang makapagkumpirma sa konklusyong ito. Nakahanay siya ngayon sa daan-daang biktima ng martial law na nawawala.

Siya nga ba’y pinapatay ni Marcos o pinatay ng mga taong sipsip kay Marcos? Diyos lang ang nakakaalam at ang mga taong direktang kasangkot sa pagkawala niya.

Makalipas ang ilang dekada, sa panahong ito ni Presidente Estrada, isang beteranong PR executive na kilala ng lahat ng editor at mamamahayag ang nawawala hanggang sa sinusulat ang kolumn na ito. Siya si Salvador ‘‘Bubby’’ Dacer na humahawak sa publicity campaign ni dating Presidente Ramos.

Ayon kay Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson, may mga dala-dalang sikreto si Dacer laban kay Presidente Estrada. Katunayan, handa na raw pasabugin ni Dacer ang isang expose laban sa Pangulo bago ito nawala isang linggo na ang nakararaan.

Malalim ang kasong ito. Pakulo lang ba ito ni Dacer? Kung pakulo’y ano naman ang mahihita niya kapalit ng pagdurusa ngayon ng kanyang pamilya?

Kung si Estrada naman ang nagpadukot sa kanya, ano’ng pakinabang ang mapapala ng Pangulo gayong tiyak na siya ang pararatangan?

Lalo naman marahil hindi ito pakulo ng Oposisyon dahil napakababaw kung ang pagdukot nila kay Dacer ay ipaparatang kay Erap?

Baka naman may ‘‘third force’’ na interesadong maluklok sa puwesto. Third force na naniniwalang ang pangyayaring ito’y makasisira nang malaki sa liderato gayundin sa Oposisyon. Kung mangyayari ito, ang namumuno sa third force na ito’y siyang tatanghaling bida at magkakaroon ng partida sa pagpuntirya sa panguluhan.

Ano man ito, mas gugustuhin kong ito’y moro-moro lang at walang nangyari kay Dacer na isang kaibigan.

CONJUGAL DICTATORSHIP

DACER

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS CHAVIT SINGSON

KAY

PRESIDENTE ESTRADA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with