^

PSN Opinyon

Sexy actress, nagbebenta na ng short time na aliw

-
Alam n’yo bang nagbebenta na ngayon ng panandaliang aliw ang isang sexy actress?

Ayon sa aking bubuwit, 28 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kay yumaong Sen. Ninoy Aquino. Nagse-celebrate pa kaya siya ng birthday sa kabilang buhay?

Happy birthday din kay Mr. Miguel Belmonte, CEO-President ng Pilipino Star NGAYON at Philippine Star, Sen. Franklin Drilon, Amb. Baby Puyat-Reyes, Billionaire Tony Boy Cojuangco, Tony Plaza, Baby Valeroso, Diwata Sanchez Josef, Lester Luliano, Jojo Esguerra. Bro. Al Obsum, Joy Serundo at Marcelita Canlas ng Caloocan City.

Congratulations kay Col. Joe Gamos ng J-3 GHQ, ang newly raised Kagitingan Lodge; San Juan Mayor Jinggoy Estrada, Vice Mayor Philip Cezar at Sandy Javier at ang buong team ng San Juan Knights. Sila ang bagong champion sa MBA.
* * *
Alam n’yo bang dahil sa hirap ng buhay ngayon ay nagbebenta na ng short time na aliw ang isang sexy actress?

Ayon sa aking bubuwit, pati mga artista ay apektado na rin sa nararanasang political at economic crisis sa bansa. Kung may mga manggagawang natanggal na sa trabaho, marami rin namang mga artista ang wala nang show at wala nang pelikula.

At siyempre, para ma-maintain ’yung kanilang lifestyle, sila ay kailangang kumita. Kung anong paraan, kanya-kanyang diskarte na ’yan. ’Yung iba ay kumukuha ng azucarera de papa. ’Yung iba naman ay nagpapa-booking na lang ng mga customer. Ang pinipili ay rich Chinese businessmen, mga pulitiko at ilang government officials. ’Yung iba nga ay Cabinet secretary, senador at kongresista.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, palaos na kasi si Sexy actress. Hindi na nagkaroon ng pelikula. Ito ay pa-extra-extra na lamang sa ilang TV shows at sa mga probinsiya. In short, kahit anong racket na pagkakakitaan ay pinapasok na niya. Para mabayaran ang kanyang condo unit sa Quezon City, siya ay kailangan na ring mag-sideline. In short, nagpapa-jokards na siya ngayon.

Ang dami nang kinabitan na rich businessmen ni Sexy actress pero wala yatang suwerte. Ayon sa aking bubuwit, ang rate ngayon ni Sexy actress ay P35,000 pataas. Depende siguro sa customer kung rich o hindi masyadong rich.

Pero, huwag niyo akong tatanungin kung sino ang kanyang manager. Hinahanting ko rin eh.

Ayon sa aking bubuwit, ang sexy actress na nagbebenta na ngayon ng aliw ay walang iba kundi si…

Siya ay dating model ng isang inuming panlalaki.

Ito ay walang iba kundi si Actress… Actress R. as in Rare na ang pelikula.

ACTRESS

ACTRESS R

AL OBSUM

ALAM

AYON

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with