^

PSN Opinyon

'Turo-turo': Sistema ni Lacson sa pag-promote?

-
Nagkalat sa Camp Crame kahapon ang mga manifesto o ‘‘white paper’’ na kumukuwestiyon sa hindi makatarungang pag-promote ni Philippine National Police (PNP) chief Director Panfilo Lacson ng mga opisyal na ‘‘dikit’’ sa kanya.

Kung totoo ang nilalaman ng mga manifesto, ibig sabihin nito may demoralisasyon na umiiral sa PNP at taliwas ito sa mga pronouncements ni Lacson na ‘‘high morale’’ ang kanyang mga tauhan. Baka naman ang ibig sabihin ni Lacson ay ang mga tauhan niya sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) at hindi ang PNP, no?

Sa pahayag naman ni Lacson na hindi siya sangkot sa jueteng, hindi naniniwala ang mga PNP junior officers na nasa likod ng mga manifesto. Ayon sa ‘‘white paper’’ isang Zubia ang nasa likod ng kabuuang koleksiyon sa jueteng sa buong bansa. Ang ‘‘tong’’ kolektor naman ng PAOCTF/CIDG at National ay isang Wally Sombrero, anang ‘‘white paper."

Kinondena rin ang walang kahirap-hirap na pag-promote ni Lacson kina Gen. Twiggy Zubia, Sr. Supt’s. Nick Bartolome, Michael Ray Aquino, Cesar Mancao, Teofilo Vina at Joel Goltiao at Supt. John Campos.

Anila, si Zubia ay nasa floating status sa loob ng tatlong taon dahil sa kanyang involvement sa Kuratong Baleleng. Nag-resign ito sa serbisyo para tumakbo bilang gobernador sa Aurora province subalit natalo. Sa limang taon na nawala siya sa ‘‘limelight,’’ na -promote siya una pa sa mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’71 at ’72 at integree Class ’71.

Pero may isang promotion na napahiya si Lacson, anang ‘‘white paper." Ito ay ang kay Army Capt. Arnel Jose Morada na miyembro ng PMA Class ’91. Si Morada na naka-assign sa PAOCTF ay pina-promote ni Lacson bilang Major.

Kumilos si Gen. Angelo Reyes, AFP Chief of Staff at pinigil ang promotion ni Morada. Nakiusap si Lacson na huwag nang pakialaman ito dahil pirmado na ni President Estrada ang mga papel ni Morada. Subalit ni-revoke ito ni Estrada nang magpaliwanag si Reyes na magdudulot ito ng demoralisasyon sa hanay ng AFP.

Kayo mga kababayan ang maghusga kung sino ang nagsasabi ng totoo sa magkabilang kampo. Mukhang painit nang painit na ang isyu laban kay Lacson sa PNP at sila-sila na mismo ang nagsusuwagan.

ANGELO REYES

ARMY CAPT

ARNEL JOSE MORADA

CAMP CRAME

CESAR MANCAO

CHIEF OF STAFF

DIRECTOR PANFILO LACSON

JOEL GOLTIAO

LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with