Death benefits ng OFW
November 22, 2000 | 12:00am
Ang letter ay galing kay Merlyn Vitug ng General Santos City.
Ang akin pong asawa ay isang contract worker sa Saudi Arabia. Sampung taon po siya roon at maganda ang kanyang trabaho. Subalit sa kasawiang-palad inatake siya sa puso na kanyang ikinamatay. Kumuha po ako ng abogado para asikasuhin ang mga matatanggap kong death benefits mula sa kompanya. Nagkataon naman pong kinamatayan din ito ng aking abogado. Dahil po rito walang nangyari sa aking kaso.
Hindi nagtagal ay kumuha ako ng pangalawang abogado. Ayon po sa aking abogado, aayusin niya ang lahat hanggang sa matapos ito subalit dapat ay 25 percent sa makukuha ang dapat na ibayad sa kanya.
Papaano po ba sinusukat ang kabayaran para sa serbisyo ng isang abogado?
Ang pagsasaayos ng attorneys fees ay isinusunod sa serbisyong legal, kasama na rito ang konsultasyon, dokumentasyon, notaryo, mga research, ang paggawa ng mga pleading, ang trabaho sa paglilitis, ang pagtanggap sa kaso, ang pag-apila sa Korte at iba pa. Ito rin ay depende sa inyong pag-uusap.
Makatuwiran po ba ang 25 percent?
Ang kontratang ito ay tinatawag na contingency fee contract kung saan ang abogado ay babayaran sa legal niyang serbisyo kapag ang kaso ay malilitis na paborable sa kliyente. Ang ganitong klase ng kontrata ay hindi ipinagbabawal ng batas.
Kung sakali at manalo kami at hindi ko ibigay ang hinihinging 25 percent, maaari po ba niya akong idemanda?
Idedemanda ka talaga ng abogado mo. Ang attorneys fee ay pinoproteksyunan ng batas (Sec. 37, Revised Rules of Court). Ayon dito, ang abogado ay magkakaroon ng lien sa mga pondo, dokumento, at papeles ng kanyang kliyente na nakuha niya ng legal at maaari niyang panghawakan ang mga ito hanggang siya ay mabayaran. Maaari rin siyang magka-lien sa lahat ng desisyon sa kabayaran ng pera.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest