^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sundin Din Sana Ang Konsensiya

-
Nanaig ang sigaw ng konsensiya sa House of Representatives noong Lunes at ang pagpigil ng mga kongresistang maka-administrasyon na hadlangan ang impeachment process ay hindi nagtagumpay. Hindi humihinga si dating House Speaker Manuel Villar habang binabasa ang order na magta-transmit sa impeachment complaint sa Senado laban kay President Estrada. Nang bumaba si Villar sa podium ay napuno ng sigawan at ipinagbunyi ito. Nanaig na nga ang sigaw ng konsensiya sa Kongreso. Tinanggap na ng Senado ang complaint ng araw ding iyon. Si Estrada ang kauna-unahang Presidente sa kasaysayan na haharap sa trial dahil sa corruption, pagsira sa pagtitiwala ng taumbayan at paglabag sa Constitution.

Nagpakita ng kakaibang larawan ang mga kongresista at nadama ng taumbayan ang kanilang pagsisikap na makita ang katotohanan. Sinunod nila ang sigaw ng konsensiya. Ang inaabangan naman ngayon ng taumbayan ay ang pagdinig naman ng mga senador sa kani-kanilang konsensiya. Nasa kanilang mga kamay na ang pag-asang mababatid na ng taumbayan ang katotohanan sa mga reklamong inihain kay Estrada.

Nang magtalumpati ang bagong Senate President na si Aquilino Pimentel Jr. sinabi niyang ang Senado ang magiging tagapadala ng sulo (torch) ng kalayaan, katarungan at kapayapaan. Idinagdag niyang ang pagkakamit ng katarungan sa ilalim ng Senado ay hindi made-delayed. Pinalitan ni Pimentel si Franklin Drilon sa Senate presidency. Maganda ang talumpati ni Pimentel at marami ang umaasa sa kanyang mga sinabi. Pinatay ng kanyang mga sinabi ang agam-agam na maraming pro-administration senators ang nagtatangkang "harangin" ang pagsasagawa ng impeachment trial. Sinabi pa ni Pimentel sa kanyang mga kasamahang senador, "the Senate as an institution will, hopefully, be looked up to with respect, esteem and admiration, not looked down on with obloquy, infamy and notoriety." Sinabi kahapon ni Pimentel na tatapusin ang impeachment trial sa December 31.

Sana’y makuha ng mga senador ang mensahe ni Pimentel nang walang labis at walang kulang. Dapat mabatid ng mga senador na sa kanila nakasalalay ang pagbangon ng bansa at pagkabuklud-buklod muli ng nahahati-hating mamamayan. Ito na ang pagkakataon na dapat nilang iniuutos ng kanilang konsensiya at hindi ang atas ng pulitika. Nakinig ang mga kongresista sa sigaw ng konsensiya upang mabatid ang katotohanan, naniniwala kami na ang Senado sa pamumuno ni Pimentel ay ganito rin ang kanilang gagawin o mas higit pa.

AQUILINO PIMENTEL JR.

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SPEAKER MANUEL VILLAR

NANAIG

NANG

PIMENTEL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with