^

PSN Opinyon

Editoryal - 'Ituro n'yo sa akin ang mga corrupt'

-
Ito ang matigas na sinabi ni President Estrada nang interbyuhin sa DZMM radio kahapon kaugnay sa hindi maawat na corruption. Bago ang pagbabanta sa mga corrupt, sinabi ni Estrada na hindi siya magre-resign at ang kanyang graceful exit ay magaganap lamang sa 2004. Bago rin iyon, nagpahiwatig siya ng paninisi sa nakaraang administrasyon. Minana lamang umano niya ang mga problema. Gayunman mas maganda naman umano ang performance niya kaysa sa nakaraang administrasyon.

Sa mga sinabi ni Estrada ang tungkol sa graft and corruption ang nakakukulele sa taynga. Kung maituturo aniya sa kanya ang mga corrupt, siya ang huhuli sa mga ito. Ilang ulit na ba ang pagbabanta ni Estrada sa mga corrupt? Marami na.

Ang jueteng scandal na kinasasangkutan ni Estrada ay nakaugat din sa talamak na corruption sa pamahalaan. Hindi ito maitatatwa. Sinabi ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na tumanggap nang mahigit P400 million si Estrada mula sa jueteng. Bukod dito ibinulsa rin umano ni Estrada ang milyong pisong excise tax mula sa tobacco. Nabunyag din ang mga ari-arian at mararangyang mansions na pag-aari umano ni Estrada. Nasa Senado na ang impeachment case na isinampa laban kay Estrada. Sinabi naman ni Estrada sa radio interview na haharapin niya ang akusasyon at maaari aniyang magulat ang lahat sa kanyang mga sasabihin sa Senado.

Ang isang problema kay Estrada ay ang paulit-ulit niyang pangako na bilang na ang oras ng mga corrupt sa pamahalaan subalit hanggang ngayon, wala pa namang nahuhuli at naipakukulong. At kahapon nga’y naghamon pa na ituro ang mga corrupt sa kanya. Paano maniniwala o magtitiwala ang taumbayan kung mismong ang Presidente ay nahaharap sa eskandalong may kinalaman sa corruption. Katawa-tawa na ang paulit-ulit na pagbabanta.

Sumabog ang textbook scam na ang suhulan ay naganap sa Malacañang noong nakaraang taon. Walang nahuling "malaking isda". Talamak ang corruption sa Customs, Bureau of Internal Revenue, Department of Education, Culture and Sports at Department of Public Works and Highways. Kamakaila’y nabulgar ang pagbili ng mga mamahaling sasakyan ng DECS Secretary at ganoon din sa Bureau of Fire Protection. Ano na ang nangyari sa mga kasong ito? Natabunan na ng jueteng scandal?

Matigas ang pasya ni Estrada na hindi magre-resign at isa lamang ang ibig sabihin nito, habang nasa puwesto’y patuloy siyang mangangako na dudurugin ang mga corrupt na hindi naman niya magawa. Dahil dito’y lalo pang dumami ang mga corrupt na nagpapahirap sa bayan.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CORRUPT

CULTURE AND SPORTS

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ESTRADA

ILOCOS SUR GOV

NASA SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with