Mga halamang gamot
November 3, 2000 | 12:00am
Sa panahong ito na napakamahal ng mga gamot marami na ang tumatangkilik sa herbal medicine. Pinatutunayan lamang na mabisang herbal medicine ang mga halamang gamot. Batay din ito sa isinagawang pananaliksik ng mga health experts. Dahil dito magbibigay ako ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa mga halamang-gamot.
Ang dahon ng kamyas ay ilaga at inumin. Mabisa itong panggamot sa sipon, ubo, diarrhea. Napatunayan na gamot din ito sa sipilis. Dahil sa taglay nitong calcium kaya gamit ding pampalakas ng baga at mahusay sa sirkulasyon ng dugo.
Sa mga batang napipilayan, mabisang gamot ang dahon at sanga ng tuba. Itinatapal din ang dahon sa sugat.
Ang dahon ng ikmo ay itinatapal kung masakit ang tiyan lalo na sa mga batang sinisikmura.
Ang dahon ng makahiya ay inilalaga bilang gamot sa sakit ng tiyan.
Ang bawang ay mabisang panlunas sa alta presyon.
Ang saging ay mabisa sa mga nininerbyos at may vertigo o iyong madaling malula sa pagtingin sa malalim na bangin at iba pang matarik na lugar.
Ang talong ay mainam sa mga may karamdaman sa puso.
Ang kataka-taka ay gamot sa may sakit sa baga at mahusay na pantapal sa bukol.
Ang ampalaya ay gamot sa diabetes at sa mga maysakit sa baga.
Ang dahon ng mustasa kung ilalaga at iinumin ay gamot sa plema gayundin para sa mga epileptic. Dinidikdik din ang dahon at itinatapal sa rayuma, arthtritis at sa kagat ng aso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest