^

PSN Opinyon

Kongreso nagiging komedya sa impeachment case vs Erap

-
ALAM n’yo bang nagiging katatawanan ngayon ang Kongreso na didinig sa impeachment case laban kay President Estrada?

Ayon sa aking bubuwit, 59 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kay Rep. Alan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros; Rep. Noli Fuentebella ng Camarines Sur; Rep. Edgar Lara ng Cagayan; Dely Magpayo, Irving Lisondra, Mar Dumapias ng DZRH; Pedro Inales at Estela Suela ng Jaro, Leyte.
* * *
Alam n’yo bang nagiging komedya ngayon ang House of Representatives na didinig sa impeachment case laban kay President Estrada?

Ayon sa aking bubuwit, wala umanong kakayahan ang chairman ng Committee on Justice na si Rep. Pacifico Fajardo na hawakan ang nasabing kaso.

Una, hindi siya abogado para malaman ang mga legal aspect ng nasabing kaso. Ikalawa, hindi siya articulate para mapangasiwaan ang kaso at Ikatlo, hindi pa siya nagbibigay ng sustento sa isang baby na na-asembol niya sa isang dating estudyante ng Ramon Magsaysay High School, Cubao, Quezon City.

Dagdag ko na lang ’yung ikatlo.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, naging katatawanan ang Chairman ng House Committee on Justice nang mag-preside si Fajardo sa isang meeting ng naturang komite. Hindi siya marunong ng parliamentary procedure kahit tatlong termino na niya bilang kongresista.

Ayon sa aking bubuwit na isa ring kongresista, nang mag-meeting sila tungkol sa impeachment case, hindi umano alam ni Fajardo ang ginagawa. Kasi nang magsimula ang meeting, tinanong siya kung meron na bang guidelines o rules tungkol sa gagawing pagdinig.

Ang sagot ba naman ni Fajardo ay: ‘‘Okay na. Wala nang problema riyan. Alam na ito ni Speaker Villar at ni Gullas.’’

Eh di siyempre, nagulat ’yung ilang miyembro. Sabi ng isang member ng committee ay: ‘‘Mr. Chairman, if we are not yet ready to investigate or hear the impeachment complaint, then we should adjourn the hearing.’’

Sabi ni Mr. Chairman ay: ‘‘Okey, adjourn!’’
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil in-adjourn na nga ’yung meeting, eh di tayuan sila.

Aba, bigla umanong nagsalita si Fajardo: ‘‘Teka muna. Huwag kayong aalis at babasahin ko muna itong aking opening statement.’’

Inadjourn na nga eh.

Diyos ko ‘day, yan ba ang kongresistang hahawak ng impeachment case laban kay President Estrada?

Mabuti at nag-inhibit na siya. Magmumukhang katawa-tawa ang House of Representatives niyan? Boy, mag-seminar ka muna kay Sen. Aquilino ‘‘Nene’’ Pimentel Jr.,

At saka, meron din naman siyang basehan na mag-inhibit sapagkat, kamag-anak pala niya si Vice President Gloria Macapagal-Arroyo.

Sabi ko naman sa iyo Rep. Pacifico Fajardo, Sir, bilang Chairman ng House Committee on Justice, bago ka makialam sa impeachment case.…

P’wede ba, bigyan mo muna ng sustento ’yung anak mong baby girl doon sa isang maganda at mestisang chiching na estudyante ng Ramon Magsaysay High School.

ALAM

AYON

FAJARDO

HOUSE COMMITTEE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MR. CHAIRMAN

PACIFICO FAJARDO

PRESIDENT ESTRADA

RAMON MAGSAYSAY HIGH SCHOOL

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with