Panahon na para ipaglaban ang interes ng bayan
October 23, 2000 | 12:00am
ANG jueteng expose ni Ilocos Sur Luis ‘‘Chavit’’ Singson laban kay Presidente Estrada ang nag-udyok sa marami na ilabas na rin ang mga ibang kontrobersya laban sa kasalukuyang administrasyon, mga opisyales ng ating pamahalaan, at iba pang malapit sa Presidente.
Minsan dahil sa takot na makabangga ang isang mataas na tao sa lipunan, isinasaisantabi na lamang ang prinsipyo at kaseguruhan ng seguridad ng kanyang pamilya. Kung ito ay ordinaryong tao lamang, ang huling dahilan ay katanggap-tanggap lalo na at nakasalalay ang buhay ng pamilya. At sa pagbubunyag ng isang kontrobersya, kinakailangan ang pahayag ng ibang tao upang ito ay pagtibayin.
Sa panahon na kailangang manindigan upang ipaglaban ang interes ng bayan, mga tunay na bayani ang kailangan ng ating bayan ngayon.
Saludo ako sa mga congressmen na bumitaw sa kanilang mga partido upang ipaglaban ang interes ng ating bansa. Walo rin sa mga miyembro ng Liberal Party ang nanawagan sa pagbibitaw ni Estrada sa posisyon. Pinakahuli, si Rep. Allan Cayetano na miyembro ng Bright Boys ay nagpahayag ng kanyang intensyong magbitaw sa partido upang suportahan ang mamamayan sa kanilang panawagang magbitaw na si Estrada.
Saludo ako sa kanilang tapang at lakas ng loob na isinantabi ang mga pangako ng administrasyon sa kanila para lamang sa kapakanan ng ating bansa. Tunay nga na boses ng tao at ng kanilang konsensya ang kanilang pinakinggan upang manindigan sa katuwiran at katotohanan.
Nanawagan ako sa iba na siyasatin ang kanilang puso at pakinggan ang kanilang mga konsensya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended