Editoryal - Huwag lituhin ang taumbayan
October 22, 2000 | 12:00am
LITUNG-LITO na ang taumbayan. Nang mag-blackout kamakalawa ay lalo pang sinakmal ng takot at nalito ang taumbayan at hindi na malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa bansa. Ideneklara na raw ang martial law at ang sabi ng iba ay may kudeta. Sa gitna nang sumakmal na blackout, lumabas si Senator Juan Ponce Enrile at naghain ng resolusyon sa Kongreso na magdaos ng snap election sa lalong madaling panahon. Ayon kay Enrile ito ang pinakamabisang paraan upang malunasan ang krisis na nangyayari sa bansa. Labindalawang senador naman ang kumontra kay Enrile. Sinabi ng mga ito na hindi naman bakante ang posisyon ng President kaya hindi dapat magdaos ng snap election. Sinabi ni Senate Minority Leader Teofisto Guingona na political ploy lamang ito upang iiwas si President Estrada sa criminal culpability na nagbulsa ito ng P400 milyon mula sa jueteng. Ang akusasyon ay ginawa ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson.
Lalo lamang lilituhin ang taumbayan ng resolusyon ni Enrile. Sa halip na matulungang mapayapa ang kalooban ay lalo pang matutuliro. Sa aming paniwalay isang malaking kamalian na idaos ang snap election. Pagsasayang din lamang ito ng pera at panahon. Kung magkakaganito, lalong malulubog sa utang ang dapang-dapang ekonomiya ng bansa. Mula nang sumabog ang jueteng scandal ay lalong sumisid ang piso.
Ayon kay Enrile, ang pagdaraos ng snap election ay magiging katulad ng ginawa ng dating diktador Ferdinand Marcos noong February 1986. Kailangan aniyang magpasya ang tao at ma-re-establish ang legitimacy ng Estrada administration. Sa aming paniwalay hindi na nararapat pang malaman kung may karisma pa si Estrada sa masa. Si Estrada na mismo ang nagsabi na mataas ang kanyang porsiyento sa mga survey na isinagawa. Ano pa ang halaga ng snap election kung mismong ang Presidente na nagsasabing mahal pa rin siya ng masa at may suporta siya. Kung hihimayin ang sinabi ni Guingona maaaring may bahid ng katotohanang kaya naghain ng resolusyon sa snap election si Enrile ay upang ligawin ang taumbayan sa isyu ng jueteng.
Mas makabubuting ang sinimulang pag-iimbestiga sa ibinulgar ng jueteng lord na si Singson ang busisiin pa ng senado at huwag nang dalhin pa kung saan-saan pa. Ilantad ang mga taong isinasangkot ni Singson gaya ng misteryosang si Yolanda Ricaforte na umanoy auditor at naghahawak ng ledger. Hukayin ang kaso hanggang malantad ang katotohanan. Ito ang kailangan at hindi ang snap election.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am