Blind loyalty
October 21, 2000 | 12:00am
MATINDING mag-gisa itong mga Senador sa hearing kahapon.
Nagmukhang alumpihit sa kanyang upuan si dating PNP Chief retired director Roberto Lastimoso nang isalang siya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa usapin ng jueteng Payola.
Loyalty sa bansa at batas ang lumilitaw na ipinagkanulo ni Lastimoso.
Bagamat iginiit niyang hindi siya tumanggap ng ano mang pabuya mula sa operasyon ng jueteng walang ginawang ano mang agresibong kampanya ang PNP sa ilalim ng kanyang liderato laban sa ilegal na sugal. At iyon daw ay dahil sa ‘‘utos ni Presidente Estrada.’’
Ipinatawag umano ng Pangulo si Lastimoso sa Malacañang. Kasama si Ilocos Governor Luis ‘Chavit’ Singson, pinag-usapan nila ang operasyon ng jueteng sa Region I.
Ipinamahala umano ng Pangulo kay Singson ang operasyon ng jueteng at sinabihan si Lastimoso na bahala nang ‘makipag-koordinasyon.’
Ang interpretasyon daw ni Lastimoso sa utos ni Pangulo ay ‘go easy’ sa jueteng.
Iyan. Iyan ang dahil aniya kung bakit nagbulag-bulagan ang PNP sa operasyon ng jueteng, batay sa pag-amin ni Lastimoso.
Lumilitaw na ang katapatan ay hindi sa bansa at sa batas kundi kay Presidente Estrada. Kinastigo siya ng Senador.
Blind loyalty, ani Sen. Raul Roco.
‘Bakit hindi ka nag-resign’ ang tanong naman ni Sen. Nene Pimentel kay Lastimoso na hindi makasagot nang tama.
Wala namang ibinungang mabuti ang loyalty ni Lastimoso dahil kinasuhan siya para mapalitan ni Ping Lacson bilang hepe ng PNP.
Ganyan ba ang lahat ng tauhang nakapalibot kay President Erap? Okay maging loyal sa Pangulo basta’t nasa tama siya. Pero may kasabihang ang katapatan sa lider ay nagwawakas kung saan nagsisimula ang katapatan sa bansa.
Sa ganang akin, bago ang loyalty sa bansa, taumbayan at leader, kailangan munang mauna ang katapatan sa Diyos.
Pero sino nga ba ang tapat? Kahit si Chavit Singson ay nasira ang kredibilidad nang idawit pa niya ang Pangulo sa usapin ng Kuratong Baleleng at kidnapping.
Dapat sana’y nag-concentrate na lang siya sa isyu ng jueteng para hindi masira ang kredibilidad niya.
Nakakiling na sana ako sa kanya pero ngayo’y nagkakaroon na akong pagdududa. Ano ba talaga ang intensyon ni Chavit sa pagsasagawa ng exposé na ito?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended