Hindi pa tapos ang LABAN - Pagbagsak ng piso di sapat isisi sa jueteng scandal
October 16, 2000 | 12:00am
HINDI na maiwasan ang pagbagsak ng halaga ng piso sa dolyar. Noong isang araw, ang halaga ng piso sa dolyar ay bumaba ng hanggang P48.50. Ayon sa mga ekonomista, naging makasaysayan ang pagbaba nito. Naging mahina rin ang bentahan sa stock market at mga dayuhang mangangalakal ay nawalan ng interes na tulungang ibangon ang ating ekonomiya.
Ayon sa mga ulat, malaki ang naging epekto sa ekonomiya ang pagsisiwalat ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na sangkot ang ating Presidente sa operasyon ng jueteng sa bansa. Hindi dapat isisi sa pagsisiwalat na ito sa pagbagsak ng halaga ng piso sa dolyar at stock market. Dapat nga ang administrasyong Estrada ang pinakahuling magreklamo rito.
Patuloy pa rin ang hinaing ng mga manggagawa na mabigyan sila ng karagdagang sahod. Sa mga empleyado ng pamahalaan, ipinangako ang karagdagang sahod na limang porsiyento lamang. Sa mga pribadong manggagawa, wala pa ring malinaw na usapin tungkol sa halaga ng karagdagang sahod. Labinlimang piso lamang ang kayang ibigay ng mga may-ari ng kompanya. Ngunit isusulong at nagtitiwala pa rin ang mamamayan na mapapasa ng kongreso ang iminumungkahing P125 na karagdagang sahod ng mga manggagawa. Hanggang ngayon, wala pa ring katiyakan kung maipapasa ba ng Kongreso ang hinihinging karagdagan sa maliit na panahon lamang. Maliban lamang kung ito ay suportahan ng administrasyon.
Sa paghingi ng karagdagang sahod, kinakailangang timbanging mabuti ang interes ng manggagawa at may-ari ng kompanya. Kailangang bigyan din ng konsiderasyon ang estado ng mga kompanya sa gitna ng pagbaba ng halaga ng piso.
Ayon sa mga ulat, malaki ang naging epekto sa ekonomiya ang pagsisiwalat ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na sangkot ang ating Presidente sa operasyon ng jueteng sa bansa. Hindi dapat isisi sa pagsisiwalat na ito sa pagbagsak ng halaga ng piso sa dolyar at stock market. Dapat nga ang administrasyong Estrada ang pinakahuling magreklamo rito.
Sa paghingi ng karagdagang sahod, kinakailangang timbanging mabuti ang interes ng manggagawa at may-ari ng kompanya. Kailangang bigyan din ng konsiderasyon ang estado ng mga kompanya sa gitna ng pagbaba ng halaga ng piso.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended