^

PSN Opinyon

DOON po sa NAYON - Ang talinghaga ng tigre

- ni Sen. Juan M. Flavier -
ANG anak ng magsasaka ang may pinakamataas na pinag-aralan sa buong nayon. Nakapagtapos siya ng kursong apat na taon.

Sa kabutihang-palad ay naging interesado siya sa mga suliranin ng nayon, lalo na ang tungkol sa agrarian reform at ang relasyon ng mga asyendero sa kanilang mga kasama.

Kasama na rito ang kanyang amang magsasaka. Biktima ito ng masamang palakad ng may-ari ng asyenda. Kaunti ang bahagi nito sa palayan. Hindi nakakagulat na ang batang bagong tapos sa unibersidad ay naging interesado sa kanilang mga problema. Lalo na ang pang-aapi sa kanyang ama na hindi tumututol dahil wala namang pinag-aralan. Nagpasya ang anak na gagamitin ang panahon upang iganti ang mga magsasaka na inapi ng sakim na may-ari ng lupa.

Malaki ang maitutulong ng kanyang napag-aralan subalit hindi siya abogado. Alam niyang kumplikado ang mga kaso at wala siyang karanasan lalo na sa pakikitungo sa mga asyendero. Naisipan niyang sumangguni sa marunong na matanda sa libis ng nayon. Sinadya niya ito para humingi ng payo sa mga planong gagawin para matulungan ang lahat ng mga magsasaka sa nayon.

Mabait ang marunong na matanda at mahinahon magsalita. May mga tinanong din ito para maunawaan ang pakay ng anak ng magsasaka, lalo na kung paano makitungo sa sakim na may-ari ng lupa.

"Ako ay malayo na sa kabihasnan," sabi ng matanda. "Kaya hindi ako makakatulong sa mga detalye ng dapat mong gawin. Ang maipapayo ko lang ay kung gusto mong gamutin ang sakit ng tigre, kailangang pasukin mo ang kanilang tirahan. Sabihin mo sa akin ang resulta pagkaraan ng isang taon."

Pagkalipas ng isang taon ay bumalik ang anak ng magsasaka sa matanda. "Tatang, sinunod ko ang payo ninyo. Pinasok ko ang tirahan ng tigre. Mayroon lang kayong nakalimutang sabihin sa akin. Na kailangan pala ay malakas at handa ako, kung hindi ay kakainin ako ng mga tigre."

ALAM

BIKTIMA

KASAMA

KAUNTI

KAYA

MABAIT

MAGSASAKA

MALAKI

MAYROON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with