PILANTIK - Anomalya sa DECS
October 8, 2000 | 12:00am
Sa buong buhay ko sa mundong ibabaw
ay ngayon ko pa lang ito naranasan,
Nang musmos pa akot hanggang sa mag-aral
na ang educators sumobra ang alam!
Akalain mo ba na naghihikahos
itong sambayanang sa lahat ay kapos,
Marami sa ngayon ang out-of-school youths
di makapag-aral at walang panggastos!
Kabataang itot lahat ng school needs
ay di matugunan ng government unit,
Sa isang stroke lang ng mga nasa DECS
milyun-milyong pera ang agad nawalis!
Mamahaling kotse at mga sasakyan
binili ng DECS para sa opisyal,
Ang gawing itoy di dapat inasal
ng isang ahensiyang kunway mapagmahal!
Pagmamahal pa ba na maituturing
bumili ng kotseng pawang mamahalin?
Kung sa halip sana ang ginawang bilhin
gamit sa eskuwelat mga school building!
Kung laging ganito ang pag-uugali
ng mga opisyal na ating pinili,
Lalo pang lulubha ating economy
at ang sambayanay luluha parati!
ay ngayon ko pa lang ito naranasan,
Nang musmos pa akot hanggang sa mag-aral
na ang educators sumobra ang alam!
Akalain mo ba na naghihikahos
itong sambayanang sa lahat ay kapos,
Marami sa ngayon ang out-of-school youths
di makapag-aral at walang panggastos!
Kabataang itot lahat ng school needs
ay di matugunan ng government unit,
Sa isang stroke lang ng mga nasa DECS
milyun-milyong pera ang agad nawalis!
Mamahaling kotse at mga sasakyan
binili ng DECS para sa opisyal,
Ang gawing itoy di dapat inasal
ng isang ahensiyang kunway mapagmahal!
Pagmamahal pa ba na maituturing
bumili ng kotseng pawang mamahalin?
Kung sa halip sana ang ginawang bilhin
gamit sa eskuwelat mga school building!
Kung laging ganito ang pag-uugali
ng mga opisyal na ating pinili,
Lalo pang lulubha ating economy
at ang sambayanay luluha parati!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended