^

Metro

Lady rider kinastigo ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Angkas na bata walang helmet

MANILA, Philippines — Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang rehistradong may-ari at rider ng isang motorsiklong nahuli-cam na may angkas na bata na hirap maabot ang foot peg at wala pang suot na helmet.

Itinakda ng LTO na magtungo ang may-ari at rider sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office, East Avenue, Quezon City, sa Oktubre 13, 2026, upang magsumite ng sinum­paang salaysay kaugnay ng insidente.

Sa video na nakara­ting sa LTO, makikita ang naturang motorsiklo na bumibiyahe kasama ang isang batang babae na walang suot na helmet at nahihirapang maabot ang foot peg ng motorsiklo. Ito ayon sa LTO ay maaaring malagay sa panganib ang angkas na bata habang bumibiyahe sa lansangan. 

Isinailalim na ng LTO sa 90-araw na preventive suspension ang drivers license ng naturang rider at naka- alarma na ang sasakya.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with