^

Metro

DILG: 58 TBS members naaresto sa Mendiola rally

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na nasa 58 miyembro ng True Brown Style (TBS) ang naaresto na kabilang sa 200 katao na nagsagawa ng protesta sa protesta sa Mendiola, Maynila noong Setyembre 21.

Sinabi ni Remulla na batay sa imbestigasyon, nakita ang malaking bilang ng TBS members sa mga naaresto, na aniya’y nagpapakita ng posibilidad ng kanilang pagkakasangkot sa karahasan.

Ayon pa sa kalihim, 13 miyembro ng TBS na may iba’t ibang kaso ang nananatili sa kustodiya ng mga awtoridad. Patuloy din aniya ang monitoring sa mga banta sa social media at mga community-based gang.

Sinabi ni Remulla na nagmula sa California, United States ang TBS at kalaunan ay lumawak sa Pilipinas, kabilang ang mga kabataang nasa edad 19 hanggang 20.

Una nang nakahuli ang mga awtoridad ng 53 katao na hinihina­lang sangkot sa grupong nanghihikayat sa mga kabataan na gumawa ng karahasan sa mga paaralan. Ayon kay Remulla, magpapatuloy ang kampanya katuwang ang DepEd at mga komunidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata.

TBS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with