^

Metro

Lolo, kinatay ng kapitbahay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 68-anyos na lolo ng kanyang kapitbahay sa loob mismo ng kanyang tahanan kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-2:02 na ng hapon kahapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si alyas “Saluta,” 68, may asawa, sa loob ng kanyang tahanan sa Doña Margarita St., Brgy. Commonwealth, Quezon City. Pinaghahanap naman si alyas “Lim,” 46, na kapitbahay ng biktima na nakatakas matapos ang krimen.

Batay sa imbestigas­yon nina PSSg Bennette Stephen Lladoc at PSSg Raymark B Paligutan, nagtaka si alyas “Cirina,” misis ng biktima na nakabukas ang kanilang gate sa harapan at may mga bakas ng dugo sa sahig hanggang sa likuran ng bahay. Doon na nakita ang duguang katawan ng biktima na tadtad ng saksak sa katawan. Isinugod ang biktima sa Rosario Maclang Hospital.

Sa pagsusuri sa CCTV sa lugar, nakita si Lim na pumasok sa bahay ng biktima at paglabas ay may bahid na ng dugo ang kanyang damit, maging ang kutsilyong hawak nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen habang tinutugis pa ang nakatakas na salarin.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with