E-Bus sa Muntinlupa lalarga
MANILA, Philippines — Pumasada nang libre kahapon, ang electronic bus o E-Bus na tumatakbo ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa.
Ayon kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, inisyal na rollout pa lamang ito at para lang sa sektor na saklaw na kinabibilangan ng mga senior citizen, person with disabilities (PWDs), mga buntis, mga pasyente ng Ospital ng Muntinlupa, at mga empleyado ng Muntinlupa City government.
Nilinaw ni Biazon na kailangang magpakita ng katibayan tulad ng IDS sa mga senior citizens, mga kawani ng city govt.
Sa mga pasyente ng OsMun, dapat ay magpakita ng alinman sa mga dokumento tulad ng laboratory request, doctor’s note, prescription with date, follow-up date at confirmation of appointment.
Sa mga pasyente ng OsMun, seniors, PWDs at buntis, kasama at prayoridad makaupo.
- Latest


















