^

PM Sports

TNT gustong bawian ang Converge

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lintik lang ang walang ganti para sa reigning champion na Talk ‘N Text kontra sa Converge upang hindi mapag-iwanan sa karera ng PBA Season 50 Governors’ Cup ngayon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Gewang ang title defense ng Tropang 5G ngayon sa Group A matapos masilat ng Terrafirma kaya matamis na bawi ang tangka kontra sa Converge (3-1) sa main game ng double-header sa alas-7:30 ng gabi.

Hangarin naman ng Blackwater na mapatid ang magkadikit na kabiguan upang makabalik sa tuktok habang manatili sa itaas  ng Group B ang asam ng Phoenix sa alas-5:15 ng hapon.

Pero pinakamalaking hamon ang nasa balikat ng mga tropa ni coach Chot Reyes na sumadsad sa 1-2 kartada  matapos ang 111-106 pagkatalo sa overtime kontra sa Dyip.

Ito na ang ikalawang sunod na semplang ng TNT matapos din ang 103-87 kabiguan kontra sa Titan Ultra na kulelat na koponan din para sa maalat na simula ng pag-depensa ng kanilang korona.

Sa isa pang kulelat na Macau Giant Pandas pa lang nanalo ang Tropang 5G na iniinda pa rin ang injuries nina Calvin Oftana, Jayson Castro, Brandon Ganuelas-Rosser at Poy Erram.

Sa kawalan nila, patuloy na aasa si Reyes na nasibak sa laban kontra sa Terrafirma dahil sa 2 technical fouls kina Rey Nambatac, Roger Pogoy, Jordan Heading at import na si Darius Days.

 

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with