^

PM Sports

Bossing dapa sa Fuel Masters

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Bossing dapa sa Fuel Masters
Inatake ni Phoenix power forward Jason Perkins ang depensa ng Blackwater.
PBA Image

MANILA, Philippines — Dinagit ng Phoenix ang Blackwater, 102-93, para mapapatag ang kapit sa tuktok ng PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Balikatan pa ang duwelo ng dalawa bago umalagwa sa 4th quarter ang Fuel Masters para sa matamis na bawi matapos ang 105-98 kabiguan kontra sa Rain or Shine noong nakaraang linggo.

Lipad sa 4-1 ang Fuel Masters sa Group B sa pagtatapos ng kampanya nito sa 1st round para sa pinalakas na tsansang makabalik sa playoffs sa ikalawang conferece ng bagong head coach na si Charles Tiu.

“I don’t want to say na we’re surprised (as the leader) but as a team, we believe that we can win every game. So far, we’ve been competing this conference,” ani Tiu.

“We’re just trying to make the playoff by wi?ing these games,” dagdag ni Jason Perkins na tinanghal na Best Player of the Game.

Tumikada ng 25 puntos at 6 rebounds si Perkins sa 23 minutong aksyon para sa team-high ng Fuel Masters.

Nagdagdag naman ng 23 puntos si BJ Johnson kasama na ang 12 rebounds habang may conference-high na 18 puntos si Gian Mamuyac para sa kanyang bagong koponan matapos ang mahabang karera sa Rain or Shine.

Mando sa opensa ng mga bataan ni Tiu si Ricci Rivero na may halos triple-double na 10 puntos, 8 rebounds at 9 assists sahog pa ang 1 steal at 2 tapal.

May ambag din na 8 puntos si Tyler Tio habang may tig-6 na puntos sina Kenneth Tuffin at Francis Escandor para sa Phoenix na mabagal ang naging paglipad matapos maiwan sa hanggang 5-14.

Unti-unti ay naagaw ng Fuel Masters ang manibela sa halftime, 54-53, bago ang dikdikang sagupaan sa 3rd quarter hanggang sa tuluyang pumiglas sa 4th, kung saan sila lumamang ng hanggang 11 puntos, 94-83, tungo sa panalo.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with