Maging tapat sa feelings
Dear Dr. Love,
Isa akong estudyante na nangungupahan sa isang boarding house malapit sa aking paaralan. Maayos ang kalagayan ko rito dahil mabait ang may ari. Pero kamakailan lang, napansin ko na may espesyal na atensyon na ibinibigay sa akin ang anak ng may-ari.
Bagamat wala siyang masamang intensyon, ramdam ko na may gusto siyang ipahiwatig.
Nagiging awkward na po para sa akin dahil nahihirapan akong umiwas nang hindi siya nasasaktan o napapahiya. Ano po kaya ang pinakamagandang gawin?
Nais ko po mapanatili ang maayos na samahan namin nang walang nasasaktan.
Jennela
Dear Jennela,
Mahalaga ang maging tapat at mahinahon sa ganitong sitwasyon. Kung sigurado ka na wala kang nararamdaman para sa kanya, maging malinaw ito sa iyong pakikitungo. Hindi kailangang maging malamig o bastos. Maging tapat ka lang sa iyong nararamdaman at panindigan nang may dignidad at kababaang-loob.
DR. LOVE
- Latest