Focus crimes bumaba ng 30% - PNP
MANILA, Philippines — Bumaba nang halos 30 percent ang walong focus crimes sa ikatlong quarter ng 2026 bunga ng pinaigting na operasyon ng Philippine National Police (PNP) para mapilay ang criminal groups sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr., nasa 7,233 focus crime incidents ang naitala mula buwan ng Hulyo hanggang Setyembre 2026, mababa sa 10,296 cases o nasa 3,063 incidents sa kaparehong period ng 2025.
Sinabi ni Nartatez na ang paglipol sa mga organized criminal groups at repeat offenders ang ilan sa naging daan sa pagbaba ng krimen sa bansa.
Nitong Setyembre lamang aniya, ang operasyon ng pulisya sa Central Luzon at CALABARZON ay nagdulot nang paghuli sa 28 katao o nasa 14 katao sa bawat rehiyon. Dalawa sa nahuli rito ay lider ng grupo na konektado sa iba’t ibang robbery groups kasama na ang Mamaril Criminal Gang, Gonzales Criminal Gang, Tolding Crime Group o Termite Gang, Gun-for-Hire Group, at Fernandez Robbery Group.
- Latest

















