MMDA, Parañaque LGU lumagda ng MOA vs baha
MANILA, Philippines — Ibinigay na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 25 trash trap at mahahalagang kasangkapan sa Pamahalaang Lungsod ng Parañaque bilang bahagi ng mga pagsisikap sa pamamahala ng baha sa lungsod, kahapon.
Magkasama sina MMDA Chairman Atty. Don Artes at Parañaque City Mayor Eric Olivarez at 1st District Rep. Edwin Olivarez, sa ceremonial signing ng Memorandum of Agreement para sa operasyon at pagpapanatili ng mga naka-install na trash traps sa 10 barangay at turnover ng mga mahahalagang kagamitan na ginanap sa Parañaque City Hall Lunes ng umaga.
Binigyang-diin ni Artes ang pangako ng ahensya sa pagsuporta sa mga pagsisikap na mapabuti o mapanatili man lang ang kalinisan at kaayusan sa Parañaque, na naaayon sa kampanyang “Kalinsan sa Bagong Pilipinas” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang sa nilagyan ng trash traps ang Barangays San Isidro, Moonwalk, San Dionisio, San Antonio, BF Homes, Vitalez, Merville, Don Bosco, Tambo, at Don Galo.
- Latest