Quezon City LGU at NACC tulong sa domestic administrative adoption, foster care
MANILA, Philippines — Lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) ang Quezon City government at ang National Authority of Child Care (NACC) sa pamamagitan ng Alternative Child Care Office - National Capital Region (RACCO-NCR) para sa implementasyon ng Domestic Administrative Adoption at Foster Care Program.
Mismong sina QC Mayor Joy Belmonte at NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada ang nanguna at ibinigay ang kanilang commitment sa programa para sa mga kabataan at ang adoption at foster care sa mga pamilya sa QC.
Ang QC ang unang LGU sa bansa na lumagda ng partnership agreement para sa pagpapatupad ng NACC’s domestic administrative adoption and foster care program.
Sa ilalim ng kasunduan, ang adoption at alternative child care ay mabilis nang maipoproseso para sa mga prospective adoptive parents sa pamamagitan ng QC LGU.
Hiniling ni Estrada sa QC LGU at sa child welfare sector na isentro rin ang paghahanda sa mga kabataan na maaabot ang edad na maaari na nitong mamuhay sa sarili sa pamamagitan ng NACC’s KAYA Ko: Kaalaman. Abilidad, Yamang Angkin Ko! Program.
Ang okasyon ay dinaluhan din nina Vice-Mayor Gian Sotto at NACC Assistant Secretary Rowena Macalintal gayundin ni NACC RACCO - NCR Officer-In-Charge Danilo Gatmaitan at mga tauhan.Una nang nagsagawa ng National Congress on Adoption and Alternative Child Care sa apat na clustered regions sa Mindanao, Visayas, South Luzon ,NCR, North at Central Luzon para makalikha ng mas malakas na partnership sa mga LGUs at local social welfare and development offices para sa pagpapatupad ng domestic administrative adoption at alternative child care programs ng NACC.
- Latest