^

Metro

Residente ng EMBO Barangay dismayado sa ‘napakong pangako’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dismayado ang ilang residente ng EMBO (Enlisted Men’s Barrio) barangay sa hindi umano natupad na mga  pangako  ng lokal na pamahalaan ng Makati.

Ayon sa mga residente, nakakalungkot na hindi  sila umano naipaglaban ni Mayor Abby Binay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na ilipat ang kanilang hurisdiksyon sa Lungsod ng Taguig.

Ilan sa mga pangakong napako ay ang  pagsasara ng mga health center sa mga barangay ng EMBO noong nakaraang taon at ang pagkawala ng bisa ng mga ‘yellow card,’ na dati nang nagbigay ng libreng serbisyong medikal sa mga residente ng 10 barangay ng EMBO.

Anang mga residente, maraming senior citizen na pasyente  sa mga EMBO barangays ang hindi na kaya pang  magtungo sa mga sa ospital at  sa health cen­ters na lamang umaasa.

“Kung ang adhikain nila ay makatulong sa masa, dapat [mga programa nila] pang-masa. Katulad ng mga basketball court at health centers—lahat ’yan pinasara nila. Asan ‘yung sinabing ‘makatao’? Nawala ‘yun, kasi kung talagang makatao ka, iintindihin mo ‘yung mga taong nangangailangan talaga,” anang mga  residente.

EMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with