Higit P2 milyong shabu nakumpiska sa Marikina, 3 huli
MANILA, Philippines — Mahigit P2-milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa naarestong tatlong high value individual (HVI), sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa Marikina City, madaling araw ng Huwebes.
Kinilala ni EPD acting director, P/Colonel Villamor Tuliao ang mga suspek na sina alyas “Khalil”, alyas “Amrex”, at alyas “Jamaira”.
Sa ulat, isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ala-1:30 ng madaling araw sa Block 43 Singkamas St,, Barangay Tumana, Marikina.
Matapos ang tagumpay na pagbili ng poseur-buyer kay alyas Khalil, agad na dinakip ang mga suspek na nakuhanan ng kabuuang 330 gramo ng shabu na katumbas ng halagang P2,244,000.
Mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002) ang mga suspek.
- Latest