^

Metro

Lider ng criminal gang hulog sa motor, huli sa checkpoint

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lider ng criminal gang hulog sa motor, huli sa checkpoint

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng Quezon City Police District Anonas Police station 9 ang sinasabing lider ng “criminal gang” matapos mahulog sa sinasakyang motorsiklo nang takasan ang checkpoint sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay PLt. Col. Zachary Capellan, hepe ng Anonas Police Station (PS 9), pinara sa checkpoint sa Duyan-Duyan, ang sinasakyang motorsiklo ng 36- anyos na  suspek  pero sa halip na huminto ay pinaharurot pa ng kasama nito.

Dahil dito ay hinabol ng mga operatiba ng PS-9 ang motorsiklo hanggang malaglag ang backrider na suspek na nagresulta sa pagkakadakip nito.

Nakumpiska sa suspek ang isang .38 revolver na kargado ng mga bala.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang suspek ay lider umano ng “Pablo Criminal Gang” na sangkot sa mga holdapan, akyat-bahay at iba pa sa lugar na sakop ng PS 9.

Nabatid na ika-4 na beses nang nakulong ang suspek sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga at gambling.

vuukle comment

HULE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with