^

Metro

Meat shop inatake: Negosyante, matansero todas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Meat shop inatake: Negosyante, matansero todas
Target naman ng manhunt ng Quezon City Police District-Cri­minal Investigation and Detection (QCPD-CIDU) ang dalawang suspek na kapwa armado ng baril na mabilis na nakatakas sakay ng motorsiklo.
STAR/ File

2 pang tauhan sugatan

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyante at tauhan nitong matansero habang dalawa pa ang sugatan matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang meat shop kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Idineklarang  dead-on-arrival sa Bernardino Hospital ang  mga biktimang sina  Romeo Collado, 43, meat shop owner, at April Boy Lutao Cerbito, 27, habang nagpapagaling naman sina Alejandro Turo Agnes, 44 at misis ni Romeo na si Melody, 42.

Target naman ng manhunt ng Quezon City Police District-Cri­minal Investigation and Detection (QCPD-CIDU) ang dalawang suspek na kapwa armado ng baril na mabilis na nakatakas sakay ng  motorsiklo.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas 2:30 ng madaling araw habang naghahanda na ang mga biktima sa pagbubukas ng kanilang meat store na nasa loob ng Russel Meat Shop sa Dumalay St. Brgy. Sta. Monica, nang isa sa mga suspek ang pumasok at walang habas na pinagbabaril si Romeo na kanilang pakay.

Tinamaan naman ng ligaw na bala sina Cerbito, Agnes at Melody.

Matapos ang pa­mamaril, tumakas ang mga suspek patungong Quirino Highway.

Sa pagsisiyasat naman ng SOCO team mula sa QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni PCpt. Aldhrin Domingo, walong basyo ng  bala at isang holster ang  natagpuan sa crime scene.

vuukle comment

BERNARDINO HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with