^

Metro

BI, nagbabala vs sindikatong sangkot sa catphishing

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalaan kahapon ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko laban sa catphishing syndicates na nangre-recruit ng mga Pinoy upang ilegal na magtrabaho sa abroad.

Ang babala ay ginawa ni BI Officer-in-Charge Commissioner Joel Anthony Viado matapos na makara­ting sa kanyang kaalaman ang insidente nang pagkaharang sa tatlong biktima ng mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Setyembre 21.

Batay sa ulat, napigilan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ng BI mula sa pagsakay sa isang Air Asia flight patungong Thailand, ang isang 28-anyos na lalaking biktima at dalawang babaeng biktima na nagkakaedad ng 24 at 27.

Una umanong nagpanggap ang tatlo bilang mga turista na bibisita lamang sa Thailand upang magbakasyon. Nagpakilala pa umanong magkasintahan ang lalaki at isa sa mga babae, habang kasamahan naman nila sa trabaho ang isa pa.

Gayunman, sa primary inspection, nakitaan ng officer ng ilang discrepancies ang kanilang mga dokumento kaya’t ini-refer sila sa secondary inspection.

Sa beripikasyon, natuklasang nagprisinta sila ng pekeng return flight ticket, na nagpapahiwatig na wala silang planong bumalik ng Pilipinas.

Dito na inamin ng tatlo na ang mga dokumentong iprisinta nila ay ibinigay lamang sa kanila ng kanilang recruiter, na siyang nag-utos sa kanila upang magpanggap na traveling companions. 

Ni-recruit sila sa pamamagitan ng Facebook messenger upang magtrabaho sa Cambodia bilang customer service representatives na may sahod na mahigit P50,000.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with