^

Metro

3 drug suspects, huli sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 drug suspects, huli sa buy-bust
Ang mga suspek ay nakilalang sina alyas ‘Bong,’ 46, miyembro ng “Batang City Jail Gang;” alyas ‘Richie,’ 46; at alyas ‘Andeng,’ 40, pawang residente ng Pasay City.
The STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Tatlong drug suspect ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mahulihan ng hinihina­lang shabu sa buy-bust operation na isinasagawa sa Malate, Manila, kahapon ng madaling araw.

Ang mga suspek ay nakilalang sina alyas ‘Bong,’ 46, miyembro ng “Batang City Jail Gang;” alyas ‘Richie,’ 46; at alyas ‘Andeng,’ 40, pawang residente ng Pasay City.

Batay sa ulat ng Malate Police Station (PS-9) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-4:35 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa Mabini St., sa Malate.

Nauna rito nakatanggap umano ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t tinarget sila sa buy-bust.

Kaagad naman silang binitbit sa presinto nang mahulihan ng buy-bust money at hinihinalang shabu na tumitimbang ng 82 gramo at may Stan­dard Drug Price (SDP) na P557,600.

Ang mga suspek ay pawang nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with