^

Metro

Welder kalaboso sa 2 boga, mga bala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Welder kalaboso sa 2 boga, mga bala
Ang mga baril at bala na nasamsam sa isang welder.

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang welder nang mahulihan ng dalawang baril at iba’t-ibang uri ng bala, sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Nakapiit sa Parañaque City Police Station custodial facility ang suspek na si alyas “Albert”, 38, na isasailalim sa inquest  proceedings sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

Sa ulat na isinumite sa Southern Police District (SPD), isinilbi ng  Para­ñaque Police ang search warrant na inisyu ng Judge Jaime Guray ng Parañaque RTC laban sa suspek sa Zone 2, Sitio Malugay, Brgy. San Martin De Porres, Parañaque dakong alas-5:40 ng umaga ng Agosto 28.

Matagumpay na narekober ang pakay na kalibre 38 at kalibre 22 na may kargang mga bala, bukod pa sa tatlong bala.

Inaalam na rin kung nasangkot sa anumang krimen ang nakumpiskang mga baril na nai-turn over na sa SPD forensic Unit  para sa ballistics examination.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with