^

Metro

Higit P8 milyong iligal na droga, nasabat sa Pasay at Parañaque

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Higit P8 milyong iligal na droga, nasabat sa Pasay at Parañaque
Batay sa ulat, alas-11:30 ng gabi nitong Miyerkules nang isagawa ang anti illegal drugs operation ng mga awtoridad sa Brgy. Don Bosco, Parañaque City kung saan nasa 100 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na P500,000.00.
STAR / File

MANILA, Philippines — Laglag sa mga kamay ng PNP- Drug Enforcement Group (PDEG), Philippine Drug Enforceme Agency (PDEA) at Southern Police District (SPD) ang tatlong Chinese national sa ikinasang operasyon sa Pasay City at Parañaque City kung saan nasabat sa kanila ang higit sa P8 milyong halaga ng droga, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PNP DEG Director PBGen. Eleazar Matta, dalawang Chinese national na nasa edad 35 at 32 ang naaresto sa Parañaque habang nakatakas ang isa pa, samantalang isang 26- anyos pa ring Chinese na mula sa Mabalacat, Pampanga ang hinuli sa Pasay City.

Batay sa ulat, alas-11:30 ng gabi nitong Miyerkules nang isagawa ang anti illegal drugs operation ng mga awtoridad sa Brgy. Don Bosco, Parañaque City kung saan nasa 100 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na P500,000.00.

Bago ito, bandang alas-6:10 ng gabi nitong Miyerkules sa Pasay nang ikasa ang operation sa Barangay 76, Zone 10, Pasay City.

Umaabot naman sa P7.6 milyon ang halaga ng mga illegal drugs ang nasabat dito.

Ayon kay Matta, posibleng miyembro ng isang drug syndicate ang tatlong naarestong suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEG NCR sa Kampo Bagong Diwa sa Taguig City ang mga naaresto at nahaharap sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with