Pangalan ng PNP at CIDG chief sa kotong, 3 timbog
MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong kalalakihan matapos na makumpirma na ginagamit ang pangalan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil at CIDG chief Maj. Gen. Leo Francisco sa pangongotong sa illegal gambling operators sa Mindanao.
Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni Francisco ang mga suspek na sina Jeffrey Sison at Neil Toledo, kapwa ng Pasig City and Ralph Stephen Abrenica, ng San Juan, Batangas.
Nakalawit ang tatlo sa isinagawang dragnet operations sa Barangay Labangal nitong Huwebes.
Lumilitaw na hinihingan ng mga suspek ng P2.5 milyon ang bawat illegal gambling operators para sa proteksiyon ng kanilang illegal activities.
Ayon kay Francisco, matagal na silang nakatanggap ng impormasyon hinggil dito, kaya nagsagawa na sila ng beripikasyon saka ikinasa ang operasyon.
Inaalam na rin ng CIDG kung miyembro ang mga suspek ng sindikato at kung may kasabwat na pulis ang mga ito.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek.
- Latest