^

Metro

Charger pumutok: 86-anyos lola, patay sa sunog sa Maynila

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Charger pumutok: 86-anyos lola, patay sa sunog sa Maynila
Nabalutan na ng usok ang isang residential building at ka tabing gusali matapos na sumiklab ang sunog na ikinasawi ng isang bedridden na 86 anyos na lola sa Alhambra street, Ermita, Manila, kahapon ng umaga.
Kuha ni Edd Gumba

MANILA, Philippines —  Dahil sa sinasabing pumutok na charger, isang 86-anyos na lola ang patay matapos na sumiklab ang sunog sa kanilang kabahayan na ikinadamay ng isang gusali sa Ermita, Manila kahapon ng umaga

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Chiu Deng Kangbakale, isang Chinese na sinasabing bedridden at hindi na nakakatayong mag-isa, matapos ma-trap sa nasusunog nilang tahanan.

Tatlo ang nasaktan sa sunog na kinabibilangan ng dalawang bumbero at anak ng nasawi na si Peter Kho Kangbakale, 49, nang makalanghap ng usok.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station 5 (PS5), alas-9:30 ng umaga kahapon nang maganap ang sunog sa pagitan ng Alhambra St. at Guerrero St., malapit sa Plaza Ferguson, sa Ermita.

Nagsimula ang sunog sa isang 2-palapag na residential-commercial building, na nasa likod ng isang hotel na pagmamay-ari umano ng pamilya ng biktima at nadamay ang katabi nitong gusali.

Nasa loob umano ng comfort room si Peter ngunit paglabas niya ay malaki na ang apoy sa kabahayan kaya’t hindi na niya nagawa pang iligtas ang kanyang ina. Nawalan din siya ng malay matapos na makalanghap ng usok ngunit naisalba ng mga awtoridad at nasa maa­yos nang kalagayan.

Dakong alas-10:38 ng umaga nang ideklarang under control ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog, at fire out ng alas-11:07 ng umaga.

Ayon sa pulisya, ­inaalam pa nila ang pinagmulan ng apoy ngunit ayon umano sa isang opisyal ng barangay, isang empleyado ang nagsabing posibleng nagsimula ang sunog sa isang nag-overheat na charger na nakasaksak.

Sa pagtaya, aabot sa P900,000 ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

Samantala, dalawa katao rin ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa Pulong Kendi 1, Barangay Sta Ana, Taguig City, nitong Linggo ng madaling araw.

Nagtamo ng first degree burn sa kaliwang hita at second degree burn sa kaliwang talampakan ang residenteng si Jaira Gapuz, 21, habang si Josie Ramos, 24, ay second degree burn naman ang tinamo sa magkabilang kamay.

Tinatayang pitong pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagsimula alas-3:30 ng madaling araw at agad na idineklara ang first alarm makalipas ang ilang minuto. Pagsapit ng alas-4:20 ng mada­ling araw ay idineklara nang fire-out ng BFP nang dumagsa ang may 13 fire trucks sa lugar. Inaalam pa ang halaga ng mga na­pinsalang ari-arian sa sunog.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with