2 milyong estudyante, target mabakunahan ng DOH vs HPV
MANILA, Philippines — Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang nasa dalawang milyong estudyante laban sa Human Papillomavirus (HPV), na nagdudulot ng cervical cancer.
Sa ilalim ito nang Bakuna Eskwela program na taunang inilulunsad ng DOH, katuwang ang Department of Education (DepEd), para sa mga estudyanteng nasa Grade 4 at Grade 5, na mula sa public at private schools sa bansa.
Ayon kay Alethea de Guzman, director ng DOH Epidemiology Bureau (EB), “Our target for HPV is around 2.007 million learners from Grades 4 and 5 from public and private schools.”
Sa naturang bilang aniya, nasa 9% ang tinatayang out-of-school youth.
Nabatid na sa kasalukuyang immunization program, iniaalok ng pamahalaan ang mga bakuna laban sa cervical cancer, measles, German measles (rubella), tetanus, at diphtheria.
Hinikayat din naman ni de Guzman ang mga magulang at guardians ng mga estudyante na pahintulutang mabigyan ng HPV vaccine ang kanilang mga anak.
- Latest





















