Eala puntirya tiket sa ningbo open quarterfinals

MANILA, Philippines — Pupuntirya si Pinay tennis sensation Alex Eala ng quarterfinal berth sa pagsagupa kay Diana Shnaider ng Russia sa second round ng Ningbo Open sa China.
Nagmula ang World No. 19 na si Eala sa 6-3, 6-1 pagwalis kay No. 32 Diane Parry ng France sa Round of 32 ng WTA500 event noong Lunes.
Dumaan naman sa butas ng karayom ang World No. 13 na si Shnaider bago talunin si Yulia Putintseva ng Kazakhstan, 7-5, 7-6 (4) sa kanyang unang laro matapos makakuha ng first-round bye.
Kagaya ng 21-anyos na si Eala, isang left-hander player din ang 22-anyos na si Shnaider na umangat sa pagiging World No. 11 noong Mayo ng 2025.
May lima ring WTA Tour singles titles ang Russian netter.
Sa nakaraang Wuhan Open ay sumampa si Shnaider sa quarterfinals bago natalo kay Jelena Ostapenko ng Ukraine.
Nakapasok naman siya sa semifinals ng isang Grand Slam event na 2026 French Open.
Samantala, hangad naman ni Eala na makabangon mula sa dalawang magkasunod na kabiguan.
Sibak si Eala kay No. 180 Tatiana Prozorova ng Russia sa WTA500 Singapore Open Round of 16 at kay No. 217 Han Shi ng China sa WTA1000 Wuhan Open first round.
Sakaling manalo kay Shnaider ay maaaring makalaban ni Eala sa quarterfinals ang kanyang kaibigang si World No. 12 Iva Jovic ng United States na hindi pa niya tinatalo sa tatlong duwelo.
- Latest
























