CA muling binasura hiling ni Alice Guo na makalaya

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Court of Appeals (CA) ang motion for reconsideration ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay ng nauna nang pagbasura sa kanyang petisyon para sa writ of habeas corpus.
Sa desisyon noong Oktubre 5, iginiit ng CA na hindi angkop na remedyo ang habeas corpus sa kaso ni Guo dahil siya ay kasalukuyang nakadetine matapos mahatulang guilty sa kasong qualified human trafficking kaugnay ng isang POGO hub sa Bamban.
Iginiit ni Guo na ilegal ang kanyang pag-aresto at nakabatay sa umano’y unconstitutional findings ang deportation proceedings laban sa kanya. Gayunman, sinabi ng CA na ang writ of habeas corpus ay ginagamit upang palayain ang mga taong iligal na nakakulong.
Binigyang-diin din ng korte na wala itong nakitang paglabag sa constitutional rights ni Guo, tulad ng karapatan sa speedy trial at kalayaan, na magbibigay-katwiran sa pag-isyu ng writ.
Sa kasalukuyan, nananatiling nakapiit si Guo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.
- Latest






















